P30,000 inisyal na puhunan na handog sa mga Pilipino nais magtayo ng maliit na negosyo, inanunsyo ng DOLE sa pilot episode ng “Business as Usual sa Usapang Trabaho” ng RMN DZXL

Aabot na sa P30,000 kada grupo o indibidwal ang maaaring ibigay na puhunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng kanilang Integrated Livelihood Program and Emergency Employment Programs (DILEEP).

Sa pag-arangkada ng bagong segment ng Usapang Trabaho ng DZXL-RMN Manila na ‘Business as Usual’ kasama si DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, sinabi nito na sampung taon nang nagbibigay oportunidad ang ahensya na makapagnegosyo ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa informal sector.

Ayon kay Rubia-Tutay, bukas ang nasabing programa sa mga grupo o indibidwal na kabilang sa informal sectors, parent of a child laborers, mangingisda na nasa coastal areas at mga Pilipino nais magsimula ng negosyo.


Aniya, ang nasabing puhunan ay isang grant at hindi isang pautang na kailanganng bayaran.

“Ito po ay grant. Hindi po ito loan na kailangan bayaran ng ating mga kababayan. Ang kailangan lang po ay mapalago po nila sa pamamagitan ng pagnenegosyo yung maliit na puhunan na binigay sa ating mga kababayan. “

Una nang namahagi ng libreng bisikleta ang ahensya sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya, katulad ng DZXL-Radyo Trabaho.

Kasabay nito, inihayag ng opisyal na may mga training para sa mga zero knowledge pagdating sa pagtatayo ng negosyo.

Maging ang training sa financial literacy ay itinutulak din ng dole para mapalago ng bawat benepisyaryo ang kanilang puhunan.

Facebook Comments