Pangambang maantala ang pagbili ng COVID-19 vaccine kapag ipinagkatiwala sa PITC, pinawi ng DTI

223

Pinawi ng Department of Trade and industry (DTI) ang pangambang posibleng maantala ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19 na iniatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine International Trading Corporation (PITC).

Ito ay kasunod ng sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na madalas na atrasado ang procurement ng mga kagamitan na ipinambibili sa PITC ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.


Sa interview ng RMN Manila kay Trade Sec. Ramon Lopez, sinabi nito na walang katotohanan ang kontrobersiyang bilyong-bilyong piso ang nakatengga sa PITC mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil kailangan pa ng Terms of Reference (TOR) bago mapunta sa kanila ang pera.

Habang itinanggi rin nito na hindi komisyon ang kanilang sinisingil dahil naibabalik ng 50 percent ang mga sobrang pondo sa pamahalaan.

Samantala, naglatag ng ilang panuntunan si Dr. Luningning Villa, dating Program Manager for Emerging Infectious Diseases ng Department of Health para matiyak na mabisa at ligtas ang bakunang gagamitin para sa masugpo ang COVID-19.

Ipinaliwanag ni Villa na una, kailangang pasado ito sa clinical trial sa bansang mayroong malalaking populasyon .




Pangalawa, kailangang pasok ito sa lahat ng age group at pangatlo ang temperatura ng bansa paggagamitan nito.

Giit pa ni Villa, kailangang isama rin sa panuntunan ang presyo ng bakunang gagamitin ng bawat bansa.

Dito kasi aniya malalaman kung gaano kakomplikado ang bakuna at ang pananaliksik kung paano ito ginawa.

Facebook Comments