Isinulong ni Senator Manny Pacquiao ang paglalaan ng 335 billion pesos na expanded stimulus package para sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Ito ang Senate Bill 2123 o Expanded Stimulus Package of 2021.
Sa nabanggit na halaga ay P100 billion ang pang-ayuda sa mga tumatanggap ng mababang sweldo at walang tahanan at P100 billion din para sa mga sektor na labis na naapektuhan ng pandemya.
Sa panukala ni Pacquiao ay P100 billion naman ang para sa subsidiya ng mga manggagawa at 100 billion pesos pantulong sa mga nawalan ng trabaho.
30 billion pesos ang pinabibigay ng panukala ni Pacquiao para sa internet allowance ng mga guro at estudyante ng K-to-12 habang 30 billion pesos naman para sa internet allowance ng mga guro at estudyante sa kolehiyo.
Diin ni Pacquiao, ang kanyang panukalang batas ay tugon sa kawalan ngayon ng maliwanag na action plan para tulungan ang naapektuhan ng pandemya.
Paliwanag ni Paquiao, ang kanyang panukala ay kailangang maipasa kasunod ng mga naunang batas na Bayanihan 1 at Bayanihan 2.