
Hawak na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nahulihan ng P340,000 na halaga ng shabu sa buybust operation sa San Juan De Coastal, Barangay San Dionisio sa Parañaque City.
Nakuha sa mga suspek na sina alyas “Gina”, 27 years old at alyas “Jovanne”, 43 years old ang 50 grams ng shabu.
Naaresto ang mga suspek matapos magbenta ng shabu sa undercover police operative sa naturang lungsod.
Kabilang sa mga nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu na may bigat na isang gramo, limang karagdagang sachets na may timbang na 48 grams, isang gramo pang shabu mula sa isang suspek, buy-bust money, at blue coin purse.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments










