Umaabot na sa P398 million ang utang ng Department of Foreign Affairs o DFA sa APO Production Unit kaugnay sa pag-imprenta ngePassports.
Sinabi ito ni Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Brijido Dulay sa pagtalakay ng Senado sa mahigit P22 billion proposed 2022 budget ng DFA.
Sa panukalang pondo para sa susunod na taon ay may nakalaang P3.446 billion para sa ePassport.
Paliwanag ni DFA Asec. Myla Grace Macahilig, hindi kasama rito ang pambayad ng utang sa APO na naipon simula noong 2018 at 2019.
Binanggit ni Macahilig na pwede silang kumuha sa Passport Revolving Fund (PRF) pero kulang pa rin dahil ginagamit ang PRF pambayad sa contractual employees.
Samantala, sa budget deliberation ay binanggit naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi na bibili ang ahensya ng Mercedez Benz at iba pang luxury vehicles para sa mga ambassador.
Diin ni Locsin, magiging praktikal na ang DFA kaya utility vehicles na lang ang bibilhin para sa mga ambassador na humihingi ng sasakyan.