Mga hindi nakarating sa schedule para sa Sinovac second dose sa Caloocan, meron na lang ngayong araw at bukas para mabakunahan

77

Bilang na lang ang araw para mabakunahan ang mga hindi nakapunta para sa kanilang 2nd dose schedule na Sinovac.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, last call na ito at meron na lang silang ngayong araw hanggang bukas, Sabado para makahabol.


Aniya, sa mga magpapabakuna ng second dose na hindi nakarating sa una nilang schedule ay magpunta lamang sa vaccination site na may 1st dose ng Sinovac at dalhin ang kanilang vaccination card.

Kabilang sa mga lugar na maari nilang puntahan ay ang Urduja Elementary School, Caloocan City Sports Complex, Camarin High School, Caloocan City North Medical Center, Kalayaan Elementary School, Pagasa Elementary School, at marami pang lugar kung saan bisitahin ang Caloocan Facebook page.

Samantala, patuloy na hinihikayat ni Mayor Malapitan ang mga residente na magpabakuna na upang maiwasan ang mas malalang epekto ng COVID-19.

Facebook Comments