CAUAYAN CITY – Napagkalooban ng mahigit P4.6-M na livelihood assistance ang 274 tobacco farmers and growers, skilled disadvantaged workers, at mga magulang o guardian ng child laborers sa probinsya ng Cagayan.
Ilan sa mga kits na naipamahagi ay para sa pananahi, bread and pastry, welding, at carpentry.
May inabot ding kagamitan para sa aluminum installation, painting, car wash, salon, hair and make-up, at mini grocery.
Bukod sa mga ito, sumailalim din sa Business Work improvement Course ang mga benepisyaryo kung saan ay makatutulong ito sa matagumpay nilang pagnenegosyo.
Samantala, hinikayat ng DOLE-Cagayan Field Office na ingatan at palaguin ang mga negosyong natanggap para sa mas maayos nilang pamumuhay.
Facebook Comments