P4.7 billion inilaang budget para sa SONA ni PRRD

Aabot sa 4.7 million pesos ang inilaan para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House acting Secretary-General Dante Roberto Maling – ang budget para sa SONA ngayong taon ay mababa kumpara sa ₱4.9 million noong nakaraang taon.

Asahan din ng publiko ang isang simpleng SONA na dadaluhan ng 1,500 guests, kabilang ang mga dating pangulo, miyembro ng diplomatic corps, dating local government officials at invitees ng mga miyembro ng Kongreso.


Ang dress code sa SONA ay simple business o Filipiniana attire.

Wala pa silang natataggap na kumpirmasyon mula sa mga dating Pangulo at dating government officials.

Ang theater actor at tenor na si Arman Ferrer ang inaasahang kakanta sa Pambansang Awit sa pagbubukas ng 18th Congress sa Sona.

Sa ngayon, isinasapinal pa ang menu ng event.

Facebook Comments