Rep. Cayetano, kailangang paghirapan ang house speakership – Sen. Pimentel

Manila, Philippines – Iginiit ni PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel III na kailangang pagtrabahuan ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano ang paghihimok nito sa higit 200 miyembro ng Kamara.

Ito ay upang matiyak na makukuha niya ang house speakership sa magaganap na botohan sa pagsisimula ng 18th Congress sa July 22.

Ayon kay Pimentel – bagamat may advantage si Cayetano dahil sa pag-endorso sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa rin tiyak na makukuha niya ang pwesto.


Dagdag pa ng senador, ang pagkamit ang 100% approval mula sa lahat ng party member ay mahirap.

Ang PDP-Laban ay mayroong 85 miyembro at ikinukunsiderang pinakamalaking partido sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments