Nasabat sa isang warehouse sa Navotas City ang tinatayang nasa P40 milyong halaga ng mga smuggled na karne ng manok at peking duck.
Ikinasa ng Department of Agriculture (DA) ang pagsalakay sa warehouse kasunod ng ulat na ibinebenta ang mga karne online.
Pagpasok pa lang ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service at Inspectorate and Enforcement ng DA, sumalubong na ang nakakasulasok na amoy ng mga expired at bulok nang mga frozen meat.
Galing sa China ang mga karne na itinuturing na ‘hot meat’ dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.
Nadiskubre din sa bodega ang ilang klase ng isda gaya ng galunggong at pampano at mga frozen na pusit.
Ipinasara na ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang warehouse.
Inaalam na rin kung sino ang may-ari ng mga nasabing produkto at kung nailabas na ang ilan sa mga ito sa mga palengke o restaurant.