P40-M tulong pinansyal, ibibigay ni PRRD sa Batanes

Magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng 40 milyong pisong ayuda sa Batanes.

Ito ay matapos mapinsala ang Itbayat District Hospital matapos ang mga serye ng lindol na tumama sa lalawigan.

Ayon kay Pangulong Duterte – mas nais niya ang clinic dahil masyadong mahal ang pagsasaayos ng ospital.


Magbibigay din siya ng cash assistance sa pamilya ng mga nasawi at sa mga nasugatan.

Pinatitiyak din ng Pangulo sa mga local government officials na umuusad ang supply line upang matiyak na walang magugutom habang bumabangon ang Batanes sa magkakasunod na lindol.

Bago ito, nagsagawa ang Pangulo ng aerial inspection sa mga apektadong lugar sa Itbayat.

Matatandaang magnitude 5.9 at 5.4 na lindol ang tumama sa Batanes kung saan walong katao ang nasawi at halos 3,000 indibidwal ang inilikas.

Facebook Comments