Umabot sa P400 billion ang nalugi ng sektor ng turismo bunsod ng mababang bilang ng mga turistang pumapasok sa bansa.
Ayon kay Department of Tourism Officer-in-Charge Undersecretary Roberto Alabado, bumaba ng halos 82% ang foreign tourist arrival sa bansa noong 2020 dahil sa ipinatupad na travel restriction bunsod ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, halos 5.7 milyong trabaho sa naturang sektor ang naapektuhan sa buong bansa.
Facebook Comments