2 FBI agents, patay sa shootout sa Florida, USA

69

Patay ang dalawang Federal Bureau of Investigation (FBI) agents habang tatlo ang sugatan sa naganap na shootout sa Sunrise, Florida, USA

Ayon kay FBI Miami Special agent Michael Leverock, maghahain sana ng federal court-ordered search warrant ang isang grupo ng FBI nang biglang magpaputok ang suspek.


Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan at kasalukuyan nang nasa maayos na kondisyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si US President Joe Biden sa pamilya at katrabaho ng mga nasawi.

Facebook Comments