P400-M, inilaan ng DA sa mga hog raiser na apektado ng ASF

Inilalatag na ng Department of Agriculture ang plano para sa pagkakaaloob ng ayuda sa mga small swine raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ito’y upang mapalakas ang produksyon ng karne ng baboy at mapataas ang kamalayan sa biosecurity protocols.

Kabilang sa mga interbensyon ay ang pagtatatag ng swine multiplier farms sa pamamagitan ng clustering o village-level approach.


Bibigyan ng DA ng limang piglets ang kada hog farmer at 20 bags ng animal feed.

Kada cluster ay mayroong 20 members na may kabuuang 100 piglets na aalagaan.

Ayon kay Secretary for Livestock Dr. William Medrano, naglaan ang ahensya ng P400 milyon para pagulungin ang proyekto sa Central Luzon at CALABARZON kung saan nanalanta ang ASF.

Facebook Comments