P41-M pondo ng ICI, matagal nang nailabas — Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang na naibigay na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ₱41 milyong pondo nito pa noong Setyembre.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bahagyang naantala lang ang pagproseso dahil sa modified disbursement system, pero nasa ICI na ngayon ang pondo at maaari nang gastusin para sa operasyon nito.

Nilinaw ito ng Palasyo matapos ang alegasyong hindi umano natatanggap ng komisyon ang pondo na isa sa mga concern na nabanggit ng dating ICI Commissioner Rogelio “Babes” Singson bago siya nagbitiw.

Pagbibitiw aniya ni Singson ay dahil sa health concerns.

Sinubukan pa raw kumbinsihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manatili siya, pero iginagalang ng Palasyo ang kanyang desisyon.

Tiniyak naman ng Malacañang na tuloy-tuloy ang suporta ni Pangulong Marcos sa ICI upang magampanan nito ang mandato na bantayan ang pondo at mga proyekto sa imprastruktura ng bansa.

Facebook Comments