Cauayan City, Isabela- Ipinagkaloob na ng Department of Agriculture ang P42 milyon na halaga ng Agricultural Intervention para sa Cagayan Valley.
Mismong si Agriculture Secretary William Dar ang nanguna sa pagbibigay ng naturang halaga ng tulong sa farmer cooperatives and associations, individual farmers, youth and local government units at iba pang benepisyaryo ng iba’t ibang proyekto gaya ng machineries, irrigation system, processing facilities, garden tools and materials, livestock and poultry, delivery trucks and livelihood and financial assistance.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ng kalihim ang mga magsasaka na ipagpatuloy na mapalawak pa ang farming activities upang makamit ang mataas na productivity rate.
Labis naman ang pasasalamat ni Sec. Dar sa Provincial Government ng Isabela dahil sa pagiging outstanding at model province sa usapin ng food production sa bansa.
Kinilala naman ni Governor Rodito Albano III ang ginagawang pagtulong ng ahensya sa mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, pinangunahan ng kalihim ang roll-out ng Swine Repopulation, Rehabilitation and Recovery (Swine R3) credit program sa Provincial Capitol, City of Ilagan, Isabela.