P45 Milyon para sa Athletic Bowl, Kasado na!

Baguio, Philippines – May inihandang P45 milyong na proyekto ang syudad para sa extension ng mga bleachers at ilang mga sports amenities sa Baguio Athletic Bowl.

Ang nasabing planong extension ay magmumula sa gilid kung saan nakatayo ang Public Comfort Room hanggang sa  Army Reserve Command o ARESCOM at iiiwan lamang ang tennis court area sa nasabing lugar.

Bukod dito, maglalagay din ng shower rooms, lockers sa ilalim ng mga bleachers at opisina para naman sa ilang mga Volunteer Organization kung saan mas malapit at madali ding tawagin sa oras ng sakuna o emergency.


Ayon kay City Administrator Bonifacio dela Peña, ang pondo ay mula naman sa realigned funds ng syudad para sa pagpapaganda ng mga bleachers ng Athletic Bowl.

iDOL, good news ito para sa atin!

Facebook Comments