CAUAYAN CITY – Umabot sa P5.2 milyon ang naipamahaging tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 2 sa mga Overseas Filipino Workers sa Lambak ng Cagayan.
Sinabi ni Atty. Romelson Abbang, regional director, ang nabanggit na halaga ay ipinamahagi sa ilalim ng iba’t ibang programa ng kagawaran.
Kabilang sa mga ito ay ang “Sa Pinas Ikaw ang Ma’am at Sir,” kung saan target ng programa ang mga dating OFW na nais magturo sa Pilipinas kaysa bumalik at makipagsapalaran sa ibang bansa.
Samantala, 107 naman ang natulungan sa ilalim ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na nangangailangan; 38 naman ang nabenepisyuhan ng ‘Livelihood Development Assistance Program’; at 45 naman ang natulungan sa ilalim ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay.
Sa ngayon ayon kay RD Abbang, minomonitor ng kanilang tanggapan ang mga OFW na pinagkalooban ng puhunan para sa kanilang ninanais na negosyo sa Pilipinas sa halip na magtrabaho muli sa ibang bansa.