P5.7 million na halaga ng subsidy, naipamahagi na sa mga PUV driver sa ilalim ng service contracting program – LTFRB

Nakapag-distribute na ang Land Transportation Franchising and Regulation Board (LTFRB) ng ₱5.7 million na halaga ng cash subsidy sa higit 1,000 Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng Service Contracting Program ng pamahalaan.

Nasa 1,440 PUV drivers sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, Southern Luzon at Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao ang nakatanggap ng initial subsidy na nagkakahalaga ng tig-4,000 pesos mula nitong January 15.


Kabilang sa mga nakatanggap ay mga tsuper ng traditional at modern jeepneys at public utility buses na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Inaasahang mas marami pang drivers mula sa iba’t ibang rehiyon ang makatatanggap ng kanilang subsidy sa mga susunod na araw.

Tinatayang nasa 60,000 PUV drivers ang makikinabang sa Service Contracting Program.

Aabot sa ₱5.58 billion ang inilaan sa programa sa ilalim ng Bayanihan 2.

Facebook Comments