Sec. Roque, nag-alok ng broker talks sa pagitan ng DND at UP

40

Tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang alok ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magkaroon ng ‘broker talks’ sa University of the Philippines (UP) kasunod ng paglusaw sa 1989 accord.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos i-alok ni Roque ang kanyang opisina para pangasiwaan ang pag-uusap sa pagitan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP President Danilo Concepcion.


Ayon kay Roque, handa si Lorenzana na makipag-usap kay Concepcion.

Wala pa aniyang sagot dito ang panig ng UP.

Bilang isang dating alumnus at dating propesor ng unibersidad, sinabi ni Roque na walang target objectives ang usapan.

Pero hindi rin ito nangangahulugang hindi na magbabago ang pasya ng DND.




Facebook Comments