Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang limang bilyong pisong pondo para sa development plan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inilabas ni DBM Secretary Mina F. Pangandaman ang Notice of Cash Allotment (NCA) na nagkakahalaga ng P5-B para sa rebuilding, rehabilitation, and development ng mga komunidad sa BARMM na apektado ng kaguluhan.
Saklaw ng alokasyon ang Special Development Fund alinsunod Republic Act (RA) 11054 o mas kilala bilang Organic Law for BARMM na ilalabas taon-taon sa mula sa 10 years ratification ng Organic Law for BARMM.
Umaasa si Secretary Pangandaman na sa pamamagitan ng pondong ito ay magtutuloy-tuloy ang pag-unlad ng BARMM.
Tinitiyak din ng kalihim na hinding-hindi bibitawan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-agapay sa BARMM lalo na sa transition process nito.
Aniya, layon ng Agenda for Prosperity ng Administrasyong Marcos ang maunlad na kinabukasan para sa lahat ng Filipino kabilang ang mga Muslim na walang maiiwan o mapababayaan.