LTFRB, iniimbestigahan ang viral video ng isang taxi driver na nagpapakita ng ‘airport meter rate’ sa mga turista

 

Iniimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang viral video ng isang taxi driver na naniningil sa mga turista gamit ang “airport meter rate”.

Nababahala si LTFRB Spokesperson Celine Pialago sa pangyayari dahil malalagay sa alanganin ang integridad ng taxi services.

Hinimok naman ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang ibang indibidwal na may kaparehong karanasan lumantad at magbigay ng impormasyon sa ahensya.


Nangako ang LTFRB chief na pabibilisin nila ang imbestigasyon upang mapanatili ang accountability sa mga taxi operators at drivers.

Facebook Comments