Ibinulgar ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na tinangka siyang suhulan
para hindi ‘galawin’ ang mga illegal vendors na nakapuwesto sa iba’t-ibang bangketa ng lungsod.
Pahayag ni Moreno, ipinarating ng isang indibidwal na babayaran siya ng P5 milyong kada araw o P1.8 bilyon kada taon para hindi ituloy ang ‘clearing operations’ at hayaan manatili ang mga nagtitinda sa kalsada.
Maikli ngunit matapang ang naisagot ng bagong alkalde.
“Simple lang ang sinabi ko. ‘Subukan niyo.’ Oh, hindi na tumawag,” sambit ni Moreno.
Hindi binunyag ni Moreno ang pagkakilanlan ng ‘mystery caller’.
Alinsunod sa kanyang kautusan, pinalinis at pinatanggal ni Moreno ang mga basura at sidewalk vendors na nagkalat sa buong Kamaynilaan.
“Wala ngang nangyari ng anim na taon. Ngayon, wala pang 48 hours, may nangyari na,” hirit ng Mayor.
Facebook Comments