Ayon kay DA Regional Director Narciso Edillo, ang kanilang pamamahagi ng naturang rice mill ay dahil sa Bayanihan Agri Cluster (BAC) sa ilalim ng OneDA Reform Agenda.
Sa pamamagitan ng BAC, matutulungan ng Kabisig ang Dipangit Extreme Farmers Association na mabenipisyuhan din ang mga maliliit na magsasaka sa naturang lugar.
Una nang nakapagbigay ang DA Region 2 sa Kasa Kabisig noong taong 2021 ng isang yunit ng rice mill, unit tractor, combine harvester at para naman sa taong 2022 ay isang unit ng color sorter, hauling truck at warehouse.
Samantala, tiniyak naman ng mga pangulo ng Kabisig at Dipangit Extreme Farmers Association sa pangunguna ni Kabisig President Loreto Ramiro na gagamitin nila sa tama ang mga natanggap na tulong mula sa Kagawaran para mapataas pa ang produksyon ng mga magsasaka at matulungan ang iba pang magsasaka.