Sales Clerk, Arestado sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

39
Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang sales clerk na lalaki matapos mahulihan ng mga iligal na droga na tinatayang nasa mahigit kumulang na P12,000 sa Purok 3, Centro 3, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas James, 29 taong gulang, binata, tubong San Jose, Baggao, subalit naninirahan sa Reyes Ext. Ugac Norte, sa Tuguegarao City.

Sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), agad na hinuli ng mga otoridad ang suspek matapos magpositibo ang ikinasang buy bust operation kung saan nabentahan nito ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang operatiba ng kapulisan.

Nakumpiska mula sa suspek ang P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, anim (6) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at isang (1) unit ng cellphone.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments