Batay sa inilabas na abiso ng DOLE Region 2, magpapatupad ng P50 na dagdag sahod mula sa kasalukuyang rate na P370 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector, P75 na dagdag para sa retail at service establishments na pagpapatrabaho ng hindi hihigit sa 10 manggagawa mula sa dating P345 na rate habang ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura ay magkakaroon ng P55 mula sa dating rate na P345.
Giit ng ahensya, dapat ipatupad sa mga tranche ang bagong wage rate sa bisa ng wage order, 15 araw pagkatapos isapubliko ang wage order.
Napagkasunduan ang bagong P420 na minimum na sahod para sa mga manggagawa sa non-agriculture, retail, at service establishments gayundin ang P400 na minimum na sahod para sa sektor ng agrikultura matapos ang serye ng mga pampublikong konsultasyon.
Ito ay matapos ang ginawang pagdinig at deliberasyon na isinagawa nitong nakaraang linggo.
Binubuo ang regional wage board ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na pinangunahan ng DOLE, NEDA, DTI at dalawang kinatawan bawat isa mula sa sektor ng empleyado at employer bilang miyembro, at RTWPB RO2 Board Secretary Heidelwina Tarrosa bilang board secretariat.