P50-M BRIBERY SCANDAL | Argosino at Robles, nagpiyansa sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Nagpiyansa sa Sandiganbayan sina Dating Bureau Of Immigration Commissioners Al Argosino At Michael Robles kaugnay ng P50-million bribery scandal.

Nasa P60,000 ang inilagak na piyansa ng dalawa para sa mga kasong graft, direct bribery at paglabag sa presidential decree no. 46 na nagbabawal sa mga public officials na tumanggap ng regalo mula sa mga pribadong indibidwal kapalit ng pabor.

Nahaharap din sila kasong plunder na isang non-bailable offense.


Pero hanggang ngayon, wala pang nakikitang probable cause ang Sandiganbayan para litisin ang kaso at mag-isyu ng arrest warrant laban sa Robles at Argosino.

Facebook Comments