P50-M na halaga ng smuggled na sibuyas at karne nasabat sa Subic Free Port

Photo Courtesy: Philippine Coast Guard

Nasabat ng philippine coast guard ang frozen na karne at sibuyas na tinangkang ilusot sa Subic Bay Freeport Zone at Subic Bay International Terminal Corporation.

Ayon sa PCG, tinatayang nasa ₱50-M ng mga nakumpiskang produkto.

Kabilang sa mga ay nasabat ang mga:
– frozen na karne ng baboy, baka, isda at pusit
– pula at puting sibuyas
– carrots
– chicken feet o paa ng manok
– canned abalone at beef;
– at fuel pump assembly ng mga truck


Nadiskubre ito ng mga otoridad nang inspeksyunin ang 48 container vans na may “undeclared o misdeclared products.”

Ang mga produktong ito ay dadalhin sa Porac, Pampanga para doon wasakin

Facebook Comments