P500 fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, maibibigay na ngayong buwan

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na matatanggap na ngayong buwan ng mga magsasaka at mangingisda ang kanilang fuel subsidy sa gitna ng sunod-sunod na oil rice hike.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Asec. Arnel De Mesa na nasa 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang sa ₱500 million subsidy.

Aniya, ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱3,000 at ito ay ipamamahagi sa pamamagitan ng debit card.


Maliban dito, sinabi ni De Mesa na inaprubadahan na rin ng Department of Finance (DOF) ang dagdag na P600 million fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda na ibibigay naman sa abril.

Facebook Comments