Ilang manufacturer, nagpatupad na ng taas-presyo sa kanilang produkto

Unti-unti ng nagkakaroon ng epekto sa presyo ng ilang pangunahing bilihin ang sunod-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAG-ASA) President Steven Cua na 20 manufacturer na ang nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produkto.

Gayunman, hindi naman aniya malaki ang itinaas sa presyo dahil dinedepende pa rin ng mga manufacturer ang epekto nito sa mamimili.


Kasabay nito, pinawi ni Cua ang pangamba ng publiko sa posibilidad na magkaroon ng hoarding sa mga produkto dahil sapat ang supply sa bansa.

Facebook Comments