P5,000 cash allowance ng DepEd, pinadodoble ng grupo ng mga guro

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa Department of Education (DepEd) na doblehin ang ipamamahagi nitong cash allowance para sa mga public school teacher.

Una rito, inanunsyo ng DepEd ang pamamahagi ng P5,000 cash allowance sa mga guro na sisimulan bukas kasabay ng pagbubukas ng klase.

Pero sabi ni ACT Philippines chairperson Vladimer Quetua, katumbas lamang ito ng P25 kada araw na allowance para sa buong pasukan.


Sa halip, dapat aniyang gawing P10,000 ang allowance ng mga guro.

Katwiran pa niya, mahigit P5,000 na galing mismo sa bulsa ng mga guro ang nagastos na nila para sa Brigada Eskwela.

Karamihan aniya sa mga gurong ito ang nag-loan pa para lang may maipambili ng mga kailangang gamit sa pagsasaayos ng mga silid-aralan.

Facebook Comments