P50,000 pabuya, iniaalok sa makapagtuturo sa dalawang suspek sa pagpatay sa isang aso sa Bulacan

218

Nag-alok si AP Partylist Rep. Ronnie Ong ng pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng dalawang suspek sa pagpatay sa isang aso sa Malolos, Bulacan noong Hunyo.

Matatandaang nag-viral ang video ng dalawang salarin kung saan mapapanood na pinaghahampas nila hanggang sa mapatay ang isang Siberian Husky dahil napatay ng aso ang kanilang mga alagang manok.

P50,000 ang iniaalok na pabuya ni Ong sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek na sina Christopher Enriquez at Julius Mendoza.


Ipinaaaresto na rin ng korte ang dalawang suspek matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Malolos Municipal Trial Court Branch 2 laban sa dalawa.

Gayunman, hindi pa rin nahuhuli ang suspek na kapwa hindi dumadalo sa mga nakalipas na hearings sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act.

Facebook Comments