Massive vaccination drive sa mga menor de edad, target ng pamahalaan

Plano ng pamahalaan na magsagawa ng malawakang vaccination drive para sa mga kabataan.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., plano itong isagawa sa unang bahagi ng 2022.

Aniya, 30 million doses ng Moderna at Pfizer COVID-19 vaccine ang planong ilaan para sa isasagawang malawakang pagbabakuna sa mga menor de edad.


Inaaasahan naman na bago magtapos ang taon o sa unang bahagi ng 2022 ay mailalabas na ang pag-aaral tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng Pfizer COVID-19 vaccine sa mga edad lima hanggang 11.

Facebook Comments