P500K donasyon ni Del Rosario sa ‘Recto Bank 22’, hindi na kailangan ianunsyo pa – Panelo

Hindi na aniya kinailangan pang ianunsyo ni dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario ang donasyon niyang P500,000 para sa 22 mangingisdang sakay ng bangkang binagga ng isang Chinese vessel sa Recto bank, sa West Philippine Sea, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Idinaan ni Del Rosario ang donasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na tinanggihan ng gobyerno.

Ibinalik ng kasalukuyang DFA Secretary na si Teodoro Locsin Jr. ang pera dahil hindi raw kasi maaaring mamigay ng donasyon ang departamento.


“Pumunta ako doon nang walang nakakaalam at binigyan ko sila, ‘di ba. You don’t have to announce it,” ani Panelo sa isang panayam sa CNN.

Sa office of the Vice President na lamang daw ipaaabot ni Del Rosario ang kaniyang donasyon sa mga magsasaka.

Kamakailan lang nang bumisita sa Occidental Mindoro si VP Leni Robredo para magpabot ng P50,000 tulong sa bawat mangingisda.

Isa si Del Rosario sa mga bumatikos sa aksyon ng gobyerno kaugnay ng insidente sa Recto Bank.

Facebook Comments