P523-M na pondo para sa Nat’l Soil Health Program, inaprubahan na ni Pangulong Duterte

Sa hangaring makamit ang katatagan ng pagkain sa bansa, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Soil Health Program (NSHP) na may layuning patabain ang mga hindi mapakinabangang lupain.

Ang NSHP ay ipapatupad ng Bureau of Soils and Water Management mula taong 2021 hanggang 2023 na popondohan ng P523.57 million.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mayroong apat na bahagi o major components ang programa.


Unang bahagi ng NSHP ay ang pagbuo ng National Soil Database and Monitoring System para gawing akma sa crop production ang mga mababang klase ng lupa.

Kasama rin sa plano ang pagpapataas sa kapasidad ng mga national at regional soil laboratories sa pamamagitan ng pagbili ng mga state-of-the-art equipment, upgraded laboratory facilities, at pagkuha ng highly-trained na technical staff.

Facebook Comments