P6.4 B SHABU SHIPMENT | Drug importation case, inilipat na sa Manila RTC

Manila, Philippines – Inilipat ng Department of Justice (DOJ) sa Manila Regional Trial ang kasong drug importation kaugnay ng P6.4 billion shabu shipment mula sa China.

Ito ay mula sa Valenzuela Regional Trial Court.

Ang desisyon ng Justice Department ay makaraang hindi pagbigyan ng Valenzuela RTC ang motion for reconsideration ng DOJ na kumukwestiyon sa ginawang pagbasura ng korte sa kasong inihain laban sa siyam na indibidwal


Pinanindigan kasi ng Valenzuela RTC ang nauna nitong desisyon na bagamat nadiskubre ang shabu shipment sa isang warehouse sa Valenzuela, ang krimen na drug importation ay hindi nangyari sa kanilang lungsod dahil ang shipment ay unang dumating sa Manila International Container Port.

Kasama sa mga kinasuhan sa Manila RTC ng paglabag sa Section 4 in relation to Section 26-A ng Republic Act 9165 sina Chen Julong alyas Richard Tan o Richard Chen; Li Guang Feng alyas Manny Li; Dong Yi Shen Xi alyas Kenneth Dong Yi or Yi Shan Dong; Mark Ruben Taguba II; Eirene Mae Tatad; Teejay Marcellana; Chen I-Min; Jhu Ming Jyun; at Chen Rong Huan.

Facebook Comments