P6.8-B, handang ilaan ng DBM sa Quick Response Fund

Handa ang pamahalaan na maglabas ng nasa ₱6.8 billion para mapunan ang pondo ng ilang ahensya sa gitna ng pagtugon sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

 

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert De Leon, pinoproseso na ang mga sumusunod na fund replenishment:

 

  • Department of Agriculture (DA) – ₱1.5 billion
  • Department of Education (DepEd) – ₱2.1 billion
  • Department of Health (DOH) – ₱600 million
  • Department of Public Works and Highways (DPWH) – ₱1 billion
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) – ₱1.25 billion
  • Office of Civil Defense (OCD) – ₱250 million

 

Pagtitiyak ni De Leon na agad nilang ibibigay ang Quick Response Funds sa mga ahensyang magre-request ng fund replenishment.

Facebook Comments