Narekober ng awtoridad ang isang malaking pakete na may hinihinalang shabu sa baybayin ng Paoay, Ilocos Norte.
Ang natuklasang ilegal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P6 million at kahalintulad ng mga droga na natagpuan sa mga baybayin ng Ilocos Region noong Hunyo at Hulyo.
Sasailalim sa pagsusuri ng Forensic Unit ang ilegal na droga para sa kaukulang proseso.
Kaugnay nito, patuloy ang pinaigting na pagbabantay sa mga coastal communities sa ilalim ng programang Bantay Dagat at aktibong pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda at iba pang ahensya upang maprotektahan ang publiko mula sa mga kahina-hinala at ilegal na bagay sa mga baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









