P65-M SOLAR-POWERED PUMP IRRIGATION PROJECT, PINASINAYAAN

Cauayan City – Pinasinayaan kahapon ika-10 ng Hunyo ang P65-Million Solar-powered Pump Irrigation Project sa bayan ng Quirino, Isabela.

Ang inagurasyon ay pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kasabay ng kanyang pagbisita sa lalawigan ng Isabela.

Sa tulong ng inisyatibo ng National Irrigation Authority-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), Layunin ng nitong mas mapalawak pa ang mabibigyan ng serbisyong patubig sa mga sakahan sa buong lalawigan.


Ang Solar-powered Pump Irrigation ay binubuo ng 1,056 na solar panels na mayroong estimate wattage output na mahigit 739,000 Watts na kayang maglabas ng discharge capacity na 12,800 gallons bawat minuto.

Dahil dito, inaasahan na bukod sa kaya nitong suplayan ng tubig ang 350 na ektarya ng bukirin sa naturang bayan, makakatulong rin ito upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig at maibsan ang gastos ng mga magsasaka na gumagamit ng mga diesel-engine irrigation machineries sa pagpapatubig.

Facebook Comments