Nakatanggap ng donasyong medical supplies at equipment na nagkakahalaga ng P68 milyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Australian Government.
Tinanggap mismo kahapon ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, kasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang donasyon mula kay Steven Robinson AO, ang Australian Ambassador to the Philippines at Colonel Paul Joseph Barta, ang Defense Attaché ng Australian Embassy Manila.
Sinabi ni AFP Chief, ang donasyon ay gagamitin ng AFP Health Service Command para mapalakas pa ang anti-Covid response ng militar.
Matatandaang una nang nag-donate ang Australia ng ospital at personal protective equipment noong June 11, 2020 sa Victoriano Luna Medical Center.
Para kay Sobejana, ang tulong ng Australia ay patunay na maaasahang partner ito sa gitna ng pandemya, at patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas para mas lalong mapaganda ang relasyon ng Australia at Pilipinas.