P7.5 billion na halaga ng investment, ilalagak ng Mitsubishi sa Pilipinas

Mamumuhunan ng P7.5 billion ang Mitsubishi Motors Corp. sa Pilipinas sa loob ng susunod na limang taon.

Ang paglalagak ng puhunan ay gagawin kasunod ng ginawang courtesy call ni MMC President at CEO Takao Kato kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa naturang pulong, natalakay ang investment plan ng kumpanya sa Pilipinas.


Magdadagdag din ng bagong modelo ng sasakyan ang kumpanya na ipoproseso sa kanilang planta sa Laguna.

Welcome naman kay Pangulong Marcos ang investment dahil mahalaga ito sa paglikha ng trabaho.

Sinabi rin ng Pangulo na isasama ang MMC sa programang Revitalizing the Automotive Industry for Competitiveness Enhancement na isang bagong bersyon ng Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) Program para makatulong sapagpapalawak ng operasyon ng MMC sa bansa.

Ang Pilipinas din ang pangunahing merkado ng Mitsubishi sa buong ASEAN.

Facebook Comments