P7.5-M NA HONORARIA NG MGA POLL WORKERS SA CAUAYAN CITY, NAIBIGAY NA

Cauayan City, Isabela- Isang daang porsyento nang naibigay ng Commission on Elections o COMELEC Cauayan City ang honoraria ng mga poll workers na nagsilbi noong araw ng eleksyon dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ating panayam kay Acting Election Officer Atty. Jerbee Cortez, naibigay na lahat nitong mga nakalipas na araw ang sweldo ng mga guro at iba pang miyembro ng Electoral Boards (EBs) na nagtrabaho noong May 9.

Umabot aniya sa P7.5 Million Pesos ang kabuuang halaga ng honoraria ng mga poll workers sa Lungsod na nasa 951 na bilang. Naglalaro sa P5, 000 hanggang P10, 000 ang natanggap na sahod ng isang poll worker depende ito sa kanyang naging trabaho.

Aminado naman ang naturang opisyal na nagkamali sila sa pagtatapyas ng 20% tax sa honoraria ng ilang mga guro subalit agad naman aniya itong naayos at naibalik sa mga nakaltasan.

Facebook Comments