Tinukoy ng pamahalaan kung saan kukunin ang ₱73.2 billion na pondo para sa pagbili ng COVID-19 vacinnes para sa 60 milyong Pilipino sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, nagkakahalaga ang bakuna ng $25 o ₱1,200 kada tao.
Sinabi ni Dominguez na may tatlong sources ang gobyerno kung saan maaaring makakuha ang pamahalaan ng pambayad para sa mga bakuna.
Kabilang na rito ang multilateral agencies, domestic sources at bilateral agreements.
Maaaring humiram ang gobyerno ng ₱40 billion na “low-cost, low-term” loans mula sa multilateral agencies tulad ng World Bank at Asian Development Bank (ADB).
Sa domestic sources, nasa ₱20 billion naman ang maaaring makuha ng gobyerno mula sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines (DBP) at iba pang government-owned and controlled corporation (GOCCs).
Pwede ring makipagnegosasyon ang gobyerno sa bilateral sources tulad ng United States at United Kingdom para makakuha ng ₱13.2 billion.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III, maaaring maabot ang ‘herd immunity’ kapag nabakunahan ang 60 hanggang 70 porsyento ng population alinsunod sa pamantayan ng World Health Organization (WHO).
Pagtitiyak ni Dominguez na may sapat na pondo ang gobyerno sa pagbili ng bakuna.