Aabot sa ₱8.6 million na halaga ng cash assistance ang naipamahagi sa mga tourism workers sa Metro Manila na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, aabot sa 1,726 beneficiaries ang nakatanggap ng one-time financial aid na tig-5,000 pesos mula sa joint cash assistance mula sa programa ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang pondo ay mula sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Umaasa ang kalihim na makakatulong ang ayuda sa mga benepisyaryo na makatawid sa panahon ng krisis.
Patuloy na nagsisikap ang ahensya para maibalik sa normal ang tourism industry.
Sa datos ng DOT, aabot sa 54,668 tourism workers sa National Capital Region ang naaprubahan ang kanilang cash aid applications.
Ang DOT-DOLE financial assistance program ay may budget na nasa ₱273 million.
Ang DOT ay nakatuon sa pagbangon ng domestic market sa NCR at tulungan ang mga manggagawa at stakeholders na pinalubog ng pandemy bunga ng mga ipinatupad na travel restrictions.