Iginiit ng Department of Finance (DOF) na sapat ang ₱85 billion para makabili ang pamahalaan ng 140 million COVID-19 vaccines.
Nabatid na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyong Pilipino para maabot ang herd immunity.
Pero sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, kapag isinama ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12-anyos, mangangailangan na ng karagdagang ₱20 billion.
Pagtitiyak naman ni Dominguez na mayroon silang mapagkukunan ng pondo para sa nasabing halaga.
Bagamat mataas ang kasalukuyang utang ng Pilipinas, nananatili itong “sustainable”.
Iginiit ng kalihim na kailangang humiram ng bansa ng pera dahil humina ang ekonomiya ng bansa bunga ng mga ipinatupad na lockdowns at pagsasara ng ilang negosyo.
Facebook Comments