Umabot sa P86, 220 ang kabuuang halaga ng nasabat na shabu at marijuana kasunod ng puspusang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation sa La Union.
Mula January 13-19, nagsagawa ng anim na magkakasunod na buy-bust operation ang kapulisan dahilan ng pagkakahuli ng 12.6grams ng shabu at 3 gramo ng marijuana kung saan nasa limang indibidwal ang naaresto. Samantala, walong armas at isang pampasabog ang isinuko sa kapulisan alinsunod ng umiiral na gun ban.
Kaugnay nito, nagpapatuloy ang pagbabantay ng pulisya sa mga pampublikong lugar upang mapanatili ang peace and order sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









