Manila, Philippines – Hinakayat ni Senator Panfilo Ping Lacson ang publiko na maging aktibo sa pagbabantay sa implementasyon ng P9 trilyong proyektong imprastraktura ng Duterte administration.
Ayon kay Ping, ito ay upang masigurado na walang bahagi na nabanggit na napakalaking pondo ang mapupunta sa kung kani-kaninong bulsa lamang.
Ang nabanggit na halaga ng proyektong imprastraktura ay nakapaloob sa “Build, Build, Build” program ng kasalukuyang administrasyon.
Ipinunto pa ni Senator Lacson na obligasyon ng publiko na bantayan ang mga proyekto ng pamahalan dahil sa kanila nagmumula ang salaping ginagastos sa mga ito.
Tiniyak naman ni Lacson na magiging aktibo siya sa pagtalakay ng mga mambabatas sa 2018 proposed National Budget.
DZXL558, Grace Mariano