Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang abot sa P900 milyon mga kemikal na sangkap at mga gamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot sa Green Planet Management Inc. Brgy. Punturin, Valenzuela City.
Maituturing na pinakamalaking destruction ito sa kasaysayan ng drug enforcement sa bansa.
Kabilang sa sinira ay mga liquid chemicals, solid chemicals at mga laboratory equipment sa pamamagitan ng thermal decomposition.
Ito ang pangalawang destruction ceremony na pinangunahan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva.
Ang seremonya ay sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice, Department of the Interior and Local Government at Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela.
Facebook Comments