Isa pang bangkay, natagpuan sa planta ng yelo sa Navotas

28

Mayroon pang isang bangkay ang natagpuan sa planta ng yelo kasunod ng pagtagas ng kemikal na ammonia sa Barangay North Bay Boulevard South, Navotas City.

Kinilala ang pangalawang namatay na si Joselino Hasareno, 54 years old, electrician ng TP Marcelo Ice Plant.


Ayon kay Navotas CDRRMO Head Vonne Villanueva, natagpuan ang bangkay, 20 meters mula sa impact site.

Aniya, hindi agad ito napansin ng mga rescuer dahil nakafocus ang paghahanap sa sentro ng insidente.

Naging pahirapan din ang paghahanap kaya’t hindi masyado nasuyod ang lugar para na rin sa kaligtasan ng mga rescuer.

Tiniyak naman ni Mayor Toby Tiangco ang tulong para sa mga biktima.




Facebook Comments