‘PA-MODULE’ ng Batanes Police Office, Umarangkada

Cauayan City, Isabela-Isinusulong ng Batanes Police Provincial Office ang proyektong ‘PA-MODULE’ para sa mga kabataan na layong maging bahagi ang mga kapulisan sa pag-angat ng mga ito sa kabila ng nararanasang pandemya bunsod ng COVID-19.

Tinawag itong ‘Pa-Module’ o Police Assistance on Modular Delivery and Utilization of Distant Learning sa mga piling mag-aaral ng Tukon Elementary School sa Basco, Batanes.

Isa sa rin sa layunin ng proyekto ang matulungan ang mga guro, magulang at mismong mga estudyante lalo na ang nasa “elementary level” pa lamang na syang kailangan ng gabay sa kanilang mga aralin.


Ayon sa Batanes PPO, pili lang ang mga kabataang likas na nangangailangan ng tulong lalo pa’t ang ilan sa kanilang mga magulang ay abala sa paghahanap-buhay.

Pinangunahan ni PMAJ. Lito Impas, Chief PCADU ng Batanes PPO sa pamumuno ni PCOL. Ismael Atluna, Provincial Director ang naturang proyekto.

Tatlong magkakapatid ang maswerteng natulungan ng mga kasapi ng pulisya kung saan tinulungan ng mga ito ang magkakapatid sa kanilang weekly modules.

Umaasa naman ang pamunuan ng Batanes PPO na mas marami pang mag-aaral ang kanilang matulungan sa proyektong ito.

Facebook Comments